DATI, BAGONG IMPORTS SA PBA GOVERNORS’ CUP

Justin Brownlee

MAGKAHALONG dati at bagong imports ang magpapakitang-gilas sa season-opening PBA Governors’ Cup.

Isang buwan na lamang bago ang pagbubukas ng Season 49, ang mga koponan ay nagsimula nang makipagkasundo sa kani-kanilang reinforcements.

Si resident import Justin Brownlee ay babalik para sa panibagong tour of duty sa Barangay Ginebra, habang si long-time rival Allen Durham ay balik- Meralco, tatlong taon makaraan ang kanyang huling stint sa recently-crowned Philippine Cup champions.

Pinili naman ng Rain or Shine ang subok nang si  Aaron Fuller kung saan muli niyang makakasama si dating coach Yeng Guiao.

Ang dating USC Trojan ay naunang naglaro sa ilalim ni Guiao ng dalawang beses sa NLEX at pagkatapos ay sa Blackwater at TNT.

Si Fuller, 34, ay galing sa paglalaro sa kanyang old Mexican club team Fuerza Regia de Monterrey.

Kabilang sa mga bagong mukha sina NBA veteran Glenn Robinson III para sa Magnolia at  Ricky Ledo para sa Blackwater.

Kilala sa kanyang vertical leaping ability, ang anak ni dating NBA player Glenn ‘Big Dog’ Robinson ay second round pick ng Minnesota Timberwolves sa 2014 draft. Kalaunan ay naglaro siya para sa  Philadelphia, Indiana, Detroit, Golden State, at Sacramento.

Noong 2017, si 30-year-old Robinson, produkto ng Michigan, ay itinanghal na NBA slam dunk champion.

Samantala, si Ledo ay second round draftee ng Milwaukee noong 2013.

Gayunman ay hindi siya nakapaglaro para sa Bucks, at sa halip ay na-trade sa Dallas, kung saan naglaro siya ng dalawang seasons sa Mavs at saNBA G League affiliate nito na Texas Legends.

Sandali ring naglaro si Ledo para sa New York Knicks.

CLYDE MARIANO