(Dati sa Walang Tulugan) KEN CHAN ‘DI INAKALANG  MAGIGING HOST SA “THE CLASH”

NAGPAPASALAMAT si Ken Chan na isa siya sa napiling maging one of the journey hotshotshost ng “The Clash Season 2” kung saan kasama niya as journey host din si Rita Daniela.

“Dati-rati, sa Walang Tulugan po ako nagho-host, ngayon, The Clash na, grabe!” masayang-masayang say ni Ken sa ginanap na grand presscon ng The Clash Season 2.

“Hindi ko po akalain. Ang sarap sa pakiramdam,” say pa ni Ken.

Inamin niyang kinabahan siya nang unang sumalang sila sa The Clash taping dahil ang gagaling ng kanyang mga kasamahang The Clash Masters na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

“Bilang journey host po, hindi natin maiiwasan na may mga matatanggal, may matitira, so nandito po kami ni Rita, journey host and sina Rayver, kaming lahat po nandito para pagaanin ang loob nila, bigyan pa sila ng hope na kahit matapos na ‘yung journey nila rito sa The Clash, eh, kahit sa labas, pagpatuloy pa rin nila,” say ni Ken.

Bilang journey hosts, ibabahagi ng RitKen ang off-cam and backstage stories ng mga clashers at sabi ni Ken, bawat contestant ay may kanya-kanyang inspiring stories to tell.

JESSY MENDI­O­LA MAS PRIORITY ANG BIRTHDAY NI EDU MANZANO KAYSA SA ABS-CBN BALL

NA-MISS ng magdyowang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang ABS-CBN Ball  jessy mediola2019  last Saturday night dahil may importante silang event na dapat unahin bago ang lahat, ang papiging nila para kay Edu Manzano na nagdiwang ng 64th birthday.

Sina Jessy at Luis kasi ang nag-organize ng dinner party na ipinost pa ni Lucky mismo sa kanyang Instagram Story.

Makikita sa caption ni Luis sa short video ng celebration na kinakantahan nila si Edu, “my  ball  this evening! Love you daddyo!”

Every year sa pagse-celebrate ng ABS-CBN ball ay isa sa head-turners ng ball si Jessy, pero di siya nanghihinayang na hindi nakadalo this year event dahil sa kaarawan ng daddy ni Luis.

“We`re  very  thankful  na every year naman, as always, lagi kaming invited. For now, we`ll rest it out muna and celebrate ‘yung birthday ni Tito Edu,” pahayag ni Jessy sa isang interview.

Nag-promise naman si Jessy sa kanyang IG story na lalaban siya next year sa ABS-CBN Ball.

Right now ay mas priority ni Jessy ang pagdiriwang ng kaarawan ni Edu at kasiyahan ng kanyang boyfriend na si Luis.

ANDREA BRILLANTES PINURI SA ABS-CBN BALL

MARAMI ang natuwa kay Andrea Brillantes na first time nakadalo sa ABS- CBN ANDREA BRILLANTESBall last Saturday held at the Shangri-La The Fort.

Lahat ng makakita sa young actress  ay sobrang nagandahan sa suot nitong  peach gown na nagmistulang isang prinsesa kaya puring-puri siya sa nasabing taunang event ng Kapamilya Network.

Ipinahayag  ni  Andrea sa kanyang I­nstagram account ang sobrang kasiyahan sa pagdalo sa naturang event.

“Nakakatuwa  pong  isipin na dati sinusu­baybayan ko lang po ang yearly Ball ng Star Magic/ABS-CBN, pero ngayon kasama na po ako sa magical night na ito!” ang caption ni Andrea Brillantes.

Pagkatapos  ay  isa-isang pinasalamatan ng young actress ang kanyang  glam  team.

Si Seth Fedelin ang ka-date ni Andrea sa ball. Matatandaan na nag-effort talaga ang young actor kamakailan para mag-propose kay Andrea na ma­ging ka-date niya sa natu­rang event.

One thought on “(Dati sa Walang Tulugan) KEN CHAN ‘DI INAKALANG  MAGIGING HOST SA “THE CLASH””

Comments are closed.