MAKIKIPAG-UGNAYAN ang pamahalaang lungsod para sanayin sa hairdressing at haircutting ang mga nagsipagtapos sa rehabilitation program ng lungsod bilang bahagi ng livelihood training program sa mga naaresto sa droga.
Ang Hair Aid Charity Organization ay itinatag sa Australia ni CEO Selina Tomasich upang magturo ng hair cutting at styling.
Nagkaroon na ito ng matagumpay na 15 programa sa Filipinas mula pa noong 2017 para sa training ng cosmetology, haircutting, at hair coloring sa mga solo parents.
Sinabi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, ang mga bagong kaalaman ay ibinigay upang hindi na bumalik sa dating bisyo ang mga dating adik.
Ang mga benepisyaryo sa training program ay ang mga nagsipagtapos sa Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) community-based rehabilitation and treatment program na mga sumukong drug users.
Lahat ng gastos sa programang ito ay sagot ng lokal na pamahalaan.
Mula 2010, nagpapadala na ang Hair Aid ng mga hairdresser upang ituro ang Livelihood Empowerment Program sa urban poor communities sa Filipinas, Indonesia, Cambodia, at Thailand.
Ang non-profit na organisasyong ito ay mayroong mahigit sa 3,800 volunteers na nagtuturo nang libre. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.