DATING ALKALDE SUGATAN, BODYGUARD MINALAS SA AMBUSH

GUNMAN

SAMAR – NASA kritikal na lagay sa isang ospital sa Tacloban City, Leyte ang isang dating alkalde sa bayan ng San Jose de Buan ng lalawigang ito makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki kahapon ng madaling araw.

Dumalo sa sarayaw,  o aktibidad sa night celebration para sa piyesta sa kanila ang 57- anyos na si Ananias Rebato nang siya ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na hindi napangalanan.

Ayon sa awtoridad, agad naisugod sa ospital sa Tacloban City si Rebato.

Nasawi naman sa nasabing insidente ang 24-anyos na driver ng dating alkalde na si Severino Tesoro Jr.

Bago mamatay si Tesoro ay nabaril pa niya ang isa sa mga suspek na nasawi rin. EUNICE C.

2 thoughts on “DATING ALKALDE SUGATAN, BODYGUARD MINALAS SA AMBUSH”

  1. That is the excellent mindset, however is just not create any kind of sence whatsoever talking about that will mather. Just about any method thank you as well as i’d aim to share a person’s post towards delicius but it surely looks like it’s an issue using your sites on earth do you i highly recommend you recheck the idea. thanks yet again.

Comments are closed.