LAGUNA – INAMBUS at napatay ng hindi pa mabatid na bilang ng mga salarin ang dating Biñan City Accountant sa Sitio Pag-asa, Brgy. Sto. Tomas sa lalawigang ito, Sabado ng tanghali.
Batay sa inisyal na ulat ni Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Virgilio “Ver” Dimaranan,63-anyos, may asawa, residente ng South City Homes ng nasabing lugar.
Lumilitaw na tumatayo umanong “King Maker” ang biktima sa lugar kaugnay ng pagiging maayos na lider nito sa politika.
Sa imbestigasyon, pasado alas-12 ng tanghali nang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa mabatid na bilang ng mga suspek ang biktima makaraang magsagawa ito ng pagpupulong sa kanyang mga lider sa ilalim umano ni Incumbent Biñan City Mayor Arman Dimaguila.
Sinasabing mula sa lugar kung saan idinaos ang naturang pagpupulong, patraydor na pinagbabaril ito ng mga suspek habang naglalakad patungo sa kanyang sasakyan.
Mabilis na isinugod ng pulisya sa pagamutan ang biktima kung saan ito binawian ng buhay bunsod ng ilang tama ng bala sa kanyang ulo at katawan habang ang mga suspek ay tumakas patungo ng hindi pa mabatid na lugar.
Magugunitang hindi pa umano nagtatagal nang paslangin ang pamangkin ng biktima na Incumbent Brgy. Chairman sa lugar na si Christopher “Tope” Dimaranan noong Pebrero 17,2020 na nananatili pa rin hindi nareresolba ang naturang kaso.
Kaugnay nito, hindi inaalis ng pulisya kung may kaugnayan umano sa politika ang naganap na pamamaslang habang patuloy na nagsasagawa ang mga ito ng malalimang imbestigasyon sa kaso. DICK GARAY
899762 144152Thank you for sharing with us, I believe this web site genuinely stands out : D. 113349
254834 868952This is a superb weblog, would you be involved in performing an interview about just how you designed it? If so e-mail me! 907671