ISABELA – PATAY ang isang dating CAFGU at wanted sa ilang murder case ng mga pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) na pinangunahan ng Provinicial Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na pinamumunuan ni P/Col. Mariano Rodriguez, at ng Regional Intelligence Division (RID), 1st IPFMC at Cabagan Police Station.
Nakilala ang napatay na si Antonio Garro, magsasaka ng San Antonio, Cabagan.
Nagsagawa ng puspusang surveillance ang pamunuan ng IPPO laban kay Garro, na siyang pangunahing suspek sa pagpatay kina Barangay Kagawad Balisi ng San Antonio noong Hulyo at Barangay Kapitan Ramento at Kagawad Padre ng Sto Tomas noong Agosto 2019.
Isang confidential civilian asset ang ginamit ng IPPO upang subaybayan ang suspek na si Garro na laging may nakasukbit na kalibre 45 at rifle lalo na umano sa gabi.
Hanggang sa nakita ng civilian asset na may hawak na ang pinaghihinalaan at kagawad na ini-report sa pulisya kung saan mabilis na isinagawa ang operasyon.
Pagkakita umano ng akusado sa operating troops na papunta sa kanilang bahay ay tumakbo siya sa loob, kinuha ang kanyang baril at pinaputukan ang mga pulis na gumanti naman ng mga putok at napatay si Garro.
Nakumpiska sa bahay ng akusado ang isang M16 rifle na may mga bala, ilang magazine ng M16, isang bandolier, belt bags, mga bala para sa 9mm, isang magazine ng 9mm na may mga bala, isang tactical short, isang backpack, isang holster, isang cellphone, isang battery pack, at isang tactical flashlight. IRENE GONZALES
Comments are closed.