DATING CONGRESSMAN ANDAYA NAGPAKAMATAY

Rep-Rolando-Andaya-Jr

CAMARINES SUR- NAKABULAGTA at duguan nang matagpuan si dating Camarines Sur 4th District Representative Rolando “Nonoy” Andaya Jr., 53-anyos at residente ng Saint Jude Orchard, Concepcion Grande, Naga City kahapon ng umaga.

“Initial report revealed that he was found dead inside his room at Andaya’s Residence, Avocado St. Corner Pomelo St. Saint Jude Orchard, Concepcion Grande, Naga City at about 7:00 in the morning today, June 30, 2022,” ayon sa initial report na ibinahagi ng Philippine National Police-Police Regional Office 5 kahapon .

Kinumpirma rin ito ng mga anak ng biktima sa pamamagitan ng Facebook post subalit hindi binanggit kung ano ang ikinamatay ng ama.

Kaugnay nito, nanawagan ang pamilya ni Andaya ng panalangin at bigyan din sila ng pagkakataon na pribadong ipagluksa ang naturang pangyayari.

“With deep grief and sadness, we announce the untimely death of our father, former member of the House of Representatives, Rolando “Nonoy” G. Andaya, Jr., this morning, June 30, 2022. We request for your fervent prayers for his eternal repose, and to allow us, his family, to grieve privately our loss. Thank you very much,” bahagi ng statement nina Ranton at Katrina M. Andaya.

Sa nakalap na impormasyon, dakong alas-7 ng umaga nang makarinig ng putok ng baril ang personal assistant ni Andaya na si John Mark Patrick Señar na nagmula sa direksyong kinaroroonan ng biktima.

Mabilis umanong tinungo ni Señar ang kuwarto ng opisyal at pagpasok nito ay tumambad na nakabulagtang duguan na katawan nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng kaniyang ulo ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.

“As of the moment we are still coordinating with the SOCO for the findings of investigation conducted,” ani Major Malou Calubaquib, spokesperson ng PNP-PRO5.

Matatandaan na si Andaya ay nagsilbi ring Budget secretary noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nitong nakalipas na Presidential election ay sinuportahan nito ang kandidatura ng kapwa niya Bicolanong si VP Leni Robredo .

Subalit bago ito, isinulong ni Andaya ya ang tambalang Sara Duterte at former Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro. VERLIN RUIZ