DATING DFA SEC DEL ROSARIO PUMANAW NA

SUMAKABILANG na si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa edad na 83.

Kinumpirma ng anak ni del Rosario na si Dr. Inge del Rosario ang pagpanaw ng kanyang ama.

Naging Philippine Ambassador to the United States si del Rosario mula noong 2001 hanggang 2006.

Nakiisa naman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdadalamhati ng sambayanang Filipino sa pagluluksa sa pagpanaw ni del Rosario.

“I join the entire nation in mourning the passing of former Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, an honorable diplomat and an esteemed public servant, ” pahayag ng Pangulo.

Nakikiramay rin ang Pangulo sa naulila ni del Rosario.

“I extend my deepest sympathies to the family and loved ones of Secretary del Rosario, who was known for his patriotism and integrity,” pahayag ng Pangulo.

“We thank his deep commitment to our national interest and his unwavering devotion to our shared values,” dagdag nito.

Nagpaabot din ng pakikiramay si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa mga naulila ni del Rosario.