DATING DFA SEC ‘DI DAPAT GUMAMIT NG DIPLOMATIC PASSPORT

DUTERTE-DEL ROSARION

HINDI dapat ginamit ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang kanyang diplomatic passport nang magtungo  siya sa Hong Kong at harangin ng immigration officers doon.

“He (Del Rosario) used a passport, which he should not. When you are no longer an employee of government, you have no business using a government diplomatic passport,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ika-122 founding anniversary celebration ng Presidential Security Group noong Miyerkoles ng gabi.

Magugunita na dumating sa Hong Kong International Airport si Del Rosario dakong alas-7:40 ng umaga noong Hunyo 21 at halos apat na oras na pinigil ng mga awtoridad doon dahil sa anila’y “immigration reasons”.

Gamit ang kanyang diplomatic passport, nakatakdang dumalo si del Rosario ng mga meeting ng First Pacific’s board and shareholders sa nabanggit na China administrative region.

Si Del Rosario, kasama si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ay naghain ng “communication” sa International Criminal Court laban kay Chinese President Xi Jinping kaugnay sa umano’y crimes against humanity bunsod ng displacement ng libo-libong mangingis­dang Filipino at pagkasira ng marine environment sa South China Sea.

Base sa ulat, nagtayo ang China ng mga artificial island sa pinagtatalunang SCS. Maging si Carpio-Morales ay hinarang ng  immigration authorities sa Hong Kong Airport nang magtungo siya roon noong nakaraang buwan.

Kapwa bumalik din sa Filipinas ang dalawang dating opisyal ng gobyerno nang araw na sila ay harangin ng mga awtoridad doon.   EVELYN QUIROZ

Comments are closed.