DATING DILG USEC MARTIN DIÑO BINAWIAN NG BUHAY SA EDAD 66

BINAWIAN na ng buhay ang dating Interior and Local Government Undersecretary na si Martin Diño sa edad na 66 matapos ang pakikipaglaban sa sakit na stage 4 Cancer kahapon ng madaling araw.

Ayon sa pahayag ng anak nito na si Liza Diño-Seguerra na ang kanyang ama na mas kilala sa tawag na ‘Bobot’ ay binawian ng buhay dakong alas-2:15 ng madaling araw kahapon habang napapaligiran ng kanyang pamilya,” sa post nito sa Facebook.

Sinabi ni Diño-Seguerra na ang kanyang ama ay isang dedicated sa paglilingkod sa bayan at siya ay nakatuon sa kanyang mga responsibilidad.

“Ang iniwan ni dating Undersecretary Martin Diño ay higit pa sa kanyang natatanging tungkulin sa gobyerno. Bilang dating Chairman ng ng organisasyong ‘Violence Against Crime and Corruption’, ipinakita niya ang diwa ng adbokasiya, gamit ang kanyang boses para itaguyod ang karapatan ng mga inaapi at labanan ang kawalan ng katarungan,” ani Diño-Seguerra.

Sinabi pa ni Diño-Seguerra na mabigat ang puso ng kanyang pamilya ngunit nananatili silang kalmante para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ipinaaabot namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nag-alay ng kanilang mga panalangin. Ang kanyang pamana ng katatagan, pakikiramay, at isang tapat at dedikasyon sa tungkulin ay gagabay sa amin magpakailanman,” pagtatapos ni Diño-Seguerra
EVELYN GARCIA