ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Olongapo City Mayor Rolen Paulino Sr bilang bagong chairman at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority ( SBMA) nitong Martes.
Nanumpa na kamakalawa si Paulino sa Malacanang sa harap ni Executive Secretary Salvador Medialdea para bago niyang posisyon.
Si Paulino na naging alkalde noong 2013 hanggang 2019 ay ang ika-8 SBMA chairman at administrator na pumalit kay Atty. Wilma T. Eisma na nagbitiw sa puwesto nitong Martes ay isa sa SBMA volunteers noong 1992 na nagpaunlad ng Subic Bay Freeport economic.
Sa unang araw ng panunungkulan ni Paulino para mapanatili at lalong mapaunlad ang business operations ay nakipagpulong ito sa mga department manager ng Subic agency at mga opisyal ng Subic Bay Freeport Chamber of Commerce.
“We need to chart a new course for Subic oost-pandemic and as we all know, the covid-19 health crusi also made a deep impact on business and productivity in this freeport, so a lot of corrective measures need to be in place,” pahayag ni Paulino.
Kabilang sa mga pangunahing hakbang ni Paulino ay ang pakikipag-ugnayan at support ng mga stakeholders sa Freeport at sa surrounding communities para mas lalong ma-attract ang mga nagnenegosyo, makapag-employ ng trabahador at unti-unting makarekober ang negosyo.
Unang pinasimulan ni Paulino kahapon na kausapin ang SBMA board of directors na kanselahin ang entrance fee ng Remy Field sports venue na P20 upang bigyang laya ang mga residente partikular na ang atleta at health enthusiasts na makapaglaro.
“Yung konting paglalaro ng mga bata, hwag na nating singilin pa Maliit na halaga ang entrance fee, kumpara sa mararamdaman nila na sa kanila ang Subic Bay Freeport”, dagdag pa ni Paulino.
MARIO BASCO