DATING GOV TEVES INARESTO NG CIDG

INARESTO ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves dahil sa pagkakasangkot nito sa mga kasong may kaugnayan sa terrorist activities.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Pryde Henry na kapatid ng pinatalsik na Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr. ay inaresto sa Dumaguete City kahapon bandang alas-8:15 ng umaga dahil sa paglabag sa The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Inilabas ang arrest warrant ng Seventh Judicial Region, Branch 74 ng Cebu City noong May 13, 2024.

May itinakda na P200,000 ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Pryde Henry.

Nasa listahan ang dating gobernador sa top Most Wanted Persons (MWP) sa provincial at regional level.
EVELYN GARCIA