DATING GURO NA-DEPRESS NAGLASLAS

BULACAN- WALA ng buhay nang matagpuan ng pinagsanib na puwersa ng Malolos Rescue Squad, Moto Rescue Units at PNP ang katawan ng dating guro na laslas ang lalamunan sa isang creek o sapa sa Bukid St. Brgy, Anilao Malolos City kahapon ng umaga.

Base sa inisyal na report ni Cpl Ronaldo M Paed, nakilala ang biktima na si Aaron Paul C De Guzman, 31-anyos, may asawa, dating guro ng Bukid St. sa nabangit na barangay.

Ayon sa mga magulang ng biktima, nakita nila sa loob ng bahay ang maraming patak ng dugo sa kama at sahig ng bahay kung saan sinundan nila ang mga patak ng dugo patungo sa isang creek o sapa ganap na ala-5:30 ng hapon nitong Pebrero 17.

Nabatid na diagnosed na may depression ang biktima na 3 taon na ang nakalilipas kung saan patuloy ang kanyang pagagamot.

Dagdag pa ng mga awtoridad tatlong araw bago ang pangyayari, nagbanta ang biktima sa kanyang asawa na nais na umano nitong magpakamatay. THONY ARCENAL