DATING GUSALI NG NBI NASUNOG

NASUNOG ang dating gusali ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakalawa ng gabi sa United Nations Avenue sa Ermita, Manila.

Batay sa report nagsimula ang sunog ng ala-6:48 ng gabi nitong Biyernes kung saan itinaas ito sa ikalawang alarma.

Umabot naman sa halos isang oras bago ito tuluyang maapula.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na ang nasabing gusali ay nakatakda na sanang isailalim sa demolisyon.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa nasabing insidente.
Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng nasabing insidente sa gusali.
EVELYN GARCIA