NAGPAHAYAG na ng kahandaan ng muling pagbabalik sa politika sa lungsod ng Malabon sa pagiging Kongresista ngayong 2019 si dating Congresswoman Jaye Lacson Noel.
Ayon kay Lacson, nais niyang muling ipagpatuloy ang kanyang paglilingkod makaraang matapos ang kanyang termino noong nakaraang halalan.
Hindi lingid sa Malabonians na mula ng maitatag ang “Kayang-kaya ni Misis” ay dumagsa na ang kanyang proyekto at programa noon kabilang ang Scholarship Program na nakapagtapos ng mga mahihirap subalit karapat-dapat na mga mag-aaral ng iba’t ibang kurso.
Hindi rin matatawaran ang ipinagkaloob niyang medical assistance sa mga ospital para sa kanyang mga constituents kung saan hindi halos mabilang ang dumaan sa mga operasyon.
Maraming mga Senior Citizen ang kanyang nabigyan ng ayuda, mga kabataang naligaw ng landas, at iba pang mga proyektong imprastraktura. Mga residente na rin ng lungsod ang humiling sa kanya na muling pumasok sa politika lalo pa at makatatambal nito ang incumbent na si Mayor Antolin “Lenlen” Oreta.
Aniya, mas mapagtutuunan ng ibayong pagkalinga sa lungsod kapag sila – kasama ng kanilang mga District 1 at District 2 councilors ang naluklok sa nalalapit na Election 2019.
Isang butuhing ina at tapat na maybahay, inaasahan at tinitiyak na resulta ng pagiging matapat sa paglilingkod sa Malabon. VICK TANES
Comments are closed.