DATING KONSEHAL TIKLO SA P1.3-M SHABU

CEBU- ARESTADO ang isang dating konsehal ng Barangay sa Coastal Village ng Talisay City sa isinagawang buy-bust operation kasabay ng pagkakakumpiska ng higit sa P1.3 milyong halaga ng shabu kamakalawa ng gabi sa lalawigang ito.

Batay sa report ng Cebu Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang naaresto ay kinilalang si Romeo Santillan, 44-anyos na dating konsehal ng Tangke, Talisay City.

Base sa pahayag ni Lt. Francis Russue, chief ng Cebu-PDEU, ang suspek ay nasakote sa isinagawang ng buy- bust operation sa kabilang bayan ng San Roque.

Ayon pa sa opisyal naaresto ang suspek habang nakikipag-transaksyon sa isang pulis na nagpanggap ng buyer.

Narekober ng mga operatioba sa pag-iingat ng suspek ang 200 gramo ng shabu na umaabot sa halagang P1.3 milyon.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya kasabay ng paghahanda ng mga kaukulang dokumento sa kasong isasampa laban dito. EVELYN GARCIA