CAGAYAN-ISANG dating rebelde ng makakaliwang grupo ang nagbalik-loob sa pamahalaan ang pinagbabaril ng mga hinihinalang New People’s Army (NPA) hanggang sa mamatay sa bayan ng Gonzaga ng nasabing lalawigan.
Kinilala ni P/Major Lorvin Layugan, hepe ng Gonzaga Police Station ang biktima na si Freddie Pahicniyon, nasa hustong gulang, isang katutubong Ifugao at residente ng Barangay Isca, Gonzaga, Cagayan
Ayon kay Layugan, dakong alas-10:45 ng umaga nang kumatok ang 10 armadong kalalakihan na nakasuot ng camouflage sa pintuan ng bahay ng biktima at pinagbabaril na siyang ikinasawi nito.
At hindi pa umano nasiyahan ang mga armadong grupo ay kinuha pa ang ilang gamit ng biktima gaya ng cellphone.
Nabatid pa kay Layugan, nakuha sa biktima ang ID nito na isang 14th Battalion Commander ng Cordillera People’s Libera-tion Army (CPLA). IRENE GONZALES
Comments are closed.