BULACAN- ISA na naman na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na kaanib ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Doña Remedios Trinidad sa lalawigang ito.
Sa report ni Cpt.Eugenio De Ramos, kinilala ang sumukong rebelde na si alyas Ka Armand/Ka Amang, 35-anyos magsasaka at residente ng Brgy. Kalawakan sa nabanggit na bayan.
Nabatid na si Ka Amang ay kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) bilang taga nguso sa galaw ng militar o (pasabilis) ng kilusan.
Naging trabaho rin nito ang tagahanap ng pagkain na kung saan nagpalipat-lipat siya sa Dulacan at Ilog Papaya sa bahagi ng Nueva Ecija.
Ganap na alas-7:30 ng umaga nitong Oktubre 21 ay personal na magpunta sa himpilan ng pulis si Ka Armand.
Ang pagsuko ni Ka Armand ay bunsod ng pinaigting na kampanya ng pulis at militar sa ilalim ng Executive Order 70 na NTF -ELCAC, kung saan makatitiyak ang mga sumukong rebelde na maibibigay ng pamahalaan ang mga social services,trabaho,livelihood assistance, tahimik at mapayapang pamumuhay sa komunidad.
Bago sumuko, inutusan pa si Ka Armand ni Ka Jerry na nasa ilalim ng bagong platoon sa Sierra Madre na may 40 miyembro na armado ng mahahabang kalibre ng baril na pinamumunuan ni Joselito Cardines alyas Ka Tagko para maghanap ng 2 sako ng bigas mula sa komunidad para sa kilusan na nasa DRT at Montalban, Rizal.
Gayundin, sinubukan din nitong kumuha ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga ng militar sa mga itinayong detachment upang makaiwas sa engkwentro.
Sa ngayong detenido si Ka Armand sa DRT Municipal Jail habang isinasailalim sa tactical interigation ng militar at PNP. THONY ARCENAL