BULACAN- DAHIL sa pinaigting na kampanya ng PNP, boluntaryong sumuko ang isang senior citizen na dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) nitong Miyerkules ng hapon.
Sa report ni PNP Provincial Director Col.Relly Arnedo kinilala ang sumuko na si alyas Ka Lito, 70-anyos na dating nag-ooperate sa bayan ng Obando.
Nabatid na nakasama siya sa grupo ng mga rebelde para proteksyunan ang mga mangingisda sa latian.
Isinuko rin ni Ka Lito ang hindi lisensyadong cal.38 na baril na may anim na bala.
Samantala inihahanda na ng PNP ang mga benepisyong dapat matanggap ng dating rebelde tulad livelihood sa ilalim ng NTF ELCAC. THONY ARCENAL