ISANG babaeng suporter ng Communist Party of the Phillippines – New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF ) ang tumalikod at nagbalik loob sa gobyerno sa Tondo, Manila.
Kinilala ang dating miyembro ng Anak Pawis, Parola Tondo Chapter , Leftist group ng CPP-NPA-NDF, na si alyas Ka Marivic, 57-anyos, may-asawa, tubong Lao Ang Samar, at residente ng Gate 8 Area A Parola Compound, Barangay 20.
Nanguna sa pagpapadali ng pagsuko ni Casbadillo ay si Police Lt. Colonel Ness T Vargas , Station Commander ng MPD Del Pan Station 12 at Police Capt. Genesis C. Aliling Chief, Intel.
Bilang pagtalikod nito sa makakaliwang grupo at panunumpa sa katapatan sa Republika ng Pilipinas ay binigyan siya ng grocery packs at tulong pinansyal.
Pagkatapos nito ay sumailalim sa de- brefing at dokumentasyon si Ka Marivic.
PAUL ROLDAN