QUEZON-DEAD on the spot ang isang dating pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga salarin sa may Felimon St.bahagi ng barangay San Isidro Zone 1,Tayabas City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Kim Palanca Labado,36-anyos residente ng Brgy.Mateuna nabanggit na lungsod.
Si Labado ay nagkaroon at napasama umano sa kasong murder habang nasa serbisyo noong 2014 at nadismis nitong 2021.
Sa ulat ng Tayabas PNP, nakikipag-inuman ang dating pulis sa kanyang mga kaibigan nang biglang dumating ang mga suspek at pinaputukan ng homemade shotgun o sumpak ang biktima at nang bumulagta ay muli itong binaril ng isa sa mga suspek gamit naman ang maiksing kalibre ng baril na sanhi ng agad nitong kamatayan bago tumakas ang mga gunman.
Patuloy pa ang malalim na imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang mga suspek at ang tunay na motibo ng pamamaslang sa biktima. BONG RIVERA