CAGAYAN – NANGANGAPA ang Philippine National Police-Sta Ana, kung ano ang motibo ng pamamaril ng riding-in-tandem sa dating punong barangay sa Sta. Ana.
Nakilala ang biktima ng pamamaril na si Dionilo Romero Poblete, 57, dating punong barangay ng Patunungan.
Sa imbestigasyon ng mga tauhan ni P/Major Stanley Banan, hepe ng Sta. Ana Police Station, habang pauwi umano ang biktima sa kanilang tahanan lulan ng motorsiklo at angkas ang kanyang kumpare na si Lodrigo Bumanglag na masuwerte namang hindi nadamay sa pamamaril ng dalawang salarin.
Nangyari ang pamamaril sa biktima sa Brgy. Palawig nang bigla na lamang sumulpot ang dalawang salarin na nakamotorsiklo rin at armado ng kalibre 45 na baril at pinagbabaril ang mga biktima.
Nakarekober ang awtoridad sa pinangyarihan ng krimen nang dalawang basyo ng bala mula sa kalibre 45, habang patuloy pa rin ang imbestigasyon.
Hindi naman tinangay ng mga salarin ang perang dala ng magkumpare na nagkakahalaga ng P272,500. IRENE GONZALES
Comments are closed.