DATING REP. TEVES MULING INARESTO SA TIMOR-LESTE

INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na muling naaresto ng mga awtoridad sa Timor Leste ang pinatalsik na si Congressman ArnolfoTeves Jr.

Kasunod ito ng ilang oras pa lamang napapalaya si Teves matapos na taliwas umano sa international law ang extradition request ng bansa.

Ayon sa DOJ, nasa Becora Prison sa Dili si Teves para sa pagdinig ng kanilang extraditon.
Dadalo si Teves sa pagdinig kasama si dating human rights commissioner Wilhelm Soriano bilang representative sa human rights.

Tatayo si Soriano para maging testigo sa human rights violations ng bansa.

Sinabi naman ni DOJ spokesman Mico Clavano, magiging matagumpay ang pagdinig sa extradition case kay Teves at maaari na ito ng ma-deport depende na sa koordinasyon ng gobyerno ng Timor Leste sa gobyerno ng Pilipinas.

Binatikos pa ni Clavano ang naging iresponsableng pahayag ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio ukol sa pagpapalaya sa dating kongresista.

Tinawag pa nito na ang pahayag ni Topacio ay isang insulto sa dalawang bansa.

Giit ni Clavano na nakapagsumite sa tamang oras ang DOJ ng mga dokumentong kinakailangan.

Magugunitang si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governo Roel Degamo noong Marso 2023.

Mula noon ay nagtago si Teves sa Timor Leste dahil umano sa walang hustisya itong matatanggap sa gobyerno.
EVELYN GARCIA