DATING REP. WALDEN BELLO INARESTO

INARESTO ng mga awtoridad ang dating Anakbayan partylist at ex-VP candidate Walden Bello sa kaniyang tahanan sa Quezon City nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen. Remus Medina, may warrant of arrest laban kay Bello dahil sa kasong cyber libel na inihain ng Davao City info officer na si Jefry Tupas.

Ayon naman kay Laban ng Masa spokesperson Leomar Doctolero, inaasahan na ni Bello na siya ay aarestuhin.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Project 4 Police Station 8 si Bello at hinihintay na lamang ang kaniyang abogado upang makapagpiyansa.

Una nang sinampahan si Bello ng kasong cyber libel ni Tupas matapos siyang isangkot sa illegal na droga. EVELYN GARCIA