DATING SCHOOL CALENDAR PUWEDE NA SA 2025

IGINIIT  ni Senador Win Gatchalian na maaaring ipatupad muli sa 2025 ang orihinal na school calendar habang sinimulan ng Department of Education ang unti-unting paglipat nito.

“Gradual. Kasi hindi pwedeng biglain, kung bibiglain yan, mayroon tayong one year na walang break,” sinabi ng chairman ng Senate basic education committee sa Kapihan sa Senado forum.

“So, yung time frame ay two years. I think by school year 2025, makakabalik na tayo sa original calendar natin. But the good thing is, nag-umpisa na yung transition,” dagdag pa ni Gatchalian.

Ang pagbabago ng school calendar ay isa sa mga problemang dulot ng pandemya, giit ni Gatchalian.

“Isa sa mga hindi magandang nangyari sa pandemya, naurong yung school calendar natin,” aniya.

“Kung matatandaan natin, in 2020, nagbukas ang eskwelahan, October na eh. At dahil dyan, ang break, o yung tinatawag nating academic break, tumatapat sa July or even August.”

Sinusuportahan ng senador ang pagbabalik sa lumang kalendaryo ng paaralan.

“Sinusuportahan natin yan. In fact, 88% ng ating mga kababayan, gustong ibalik sa dating academic calendar. Dahil unang-una, nakasanayan na natin yan,” sinabi niya.
LIZA SORIANO