BILANG pagkilala sa mga resulta ng mga field survey at konsultasyon sa mga pambansang organisasyon at mga guro, unti-unting ibinabalik ng Department of Education (DepEd) ang April-May break sa school year 2023-2024.
Binigyang-diin ng Kagawaran na ang unti-unting paglilipat ay mahalaga upang maiwasan ang pagkagambala sa mga araw ng pag-aaral na kinakailangan upang masakop ang lahat ng kakayahan sa pag-aaral.
Ayon sa DepEd Order No. 03, series of 2024, inilipat ng DepEd ang End of SY 2023-2024 hanggang May 31, 2024, habang ang EOSY Break ay mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 26, 2024.
Samantala ang Third Quarter Examinations ay sa Marso 25-26, at ang Fourth Quarter Exam ay sa Mayo 16-17, 2024.
Hinihikayat din ang mga paaralan na magsagawa ng kani-kanilang EOSY Rites mula Mayo 29-31, 2024.
Samantala, isasagawa ang mga pambansang aktibidad ng DepEd sa mga sumusunod na petsa:
• Palarong Pambansa – Hulyo 6 – 17, 2024
• Pambansang Pagdiriwang ng mga Talento – Hulyo 9 – 13, 2024
• National Schools Press Conference – Hulyo 9 – 13, 2024
• Learners’ Convergence – Hulyo 9 – 15, 2024
Binigyang-diin din ng DOE na walang boluntaryo o mandatoryong gawain o aktibidad ang ibibigay sa mga guro mula Hunyo 1 hanggang 30, 2024.
Ang opisyal na pagsisimula ng School Year 2024-2025 ay sa Hulyo 29 at magtatapos sa Mayo 16, 2025, kung saan ang Brigada Eskwela ay nakatakdang magsimula isang linggo bago ang pasukan.
Elma Morales