NASA stable condition na si dating Senador Ramon Revilla Sr. matapos itong isugod sa ospital at nag-kritikal.
Inianunsiyo ito ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
Sa Facebook, nagpasalamat si Jolo sa lahat ng nag-aalay ng dasal para sa kaniyang lolo.
Umaasa ang pamilya mabilis na paggaling ng kaniyang lolo.
“Let’s continue praying for one another, for our families and loved ones, as we go through this pandemic,” pahayag pa ng bise gobernador.
Unang dinala sa St. Dominic Medical Center sa Bacoor, Cavite ang matandang Revilla at kalaunan ay inilipat sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.
Comments are closed.