PUMANAW na si dating Senate President Edgardo Angara sa edad na 83 dahil sa atake sa puso.
Ipinaalam ito ng kanyang anak na si Senador Sonny Angara sa isang tweet kahapon ng tanghali.
Ayon sa senador, inaayos na ng kanilang pamilya ang magiging burol ng namayapang ama at nanawagan din ng panalangin para sa kanilang pami-lya.
Sa Heritage Memorial Park sa Taguig City nakaburol ang labi ng dating Pangulo ng Senado at nakatakdang buksan ngayon sa publiko sa ganap na alas-2 ng hapon.
Nagsilbing Senate President si Edgardo Angara mula 1993 hanggang 1995. Naging Agriculture secretary din ito noong 1999 hanggang 2001 sa pa-nunungkulan ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Itinalaga rin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Philippines’ Special Envoy to the European Union at Chairman ng New Clark City, ang kau-na-unahang smart city at emerging aeropolis ng ASEAN sa bansa. VICKY CERVALES