SA SELDA idineretso ang dating sexy actress at kaniyang live-in partner matapos silang mahuli sa operasyon ng mga awtoridad, Huwebes ng hapon sa San Fernando, Pampanga.
Isinilbi ng mga tauhan ng Pampanga Provincial Drug Enforcement Unit, San Fernando Police Station at Special Weapons and Tactics unit ang search warrant na nagresulta sa pagkakaaresto kina Brigette de Joya o Michelle Comstock, alyas Tisay, at Marciano Camacam, alyas Bong Guevarra, 42-anyos; kapwa ng Block 2, Lot 17, Northville, Calulut Resettlement, sa lungsod.
Si Bridgette ay nakasama sa mga pelikulang “Kangkong” at “Gigil.”
Nakuha sa kanila ang walong sachet ng hinihinalang shabu, limang improvised tooters na may shabu residue, weighing scale, dalawang plastic na bote ng softdrinks na may liquid substance na hinihinalang ilegal na droga. NIKON CELIS
Comments are closed.