NAISULAT na natin dito sa aming column ang tungkol sa papalit-palit na restaurant sa Mindanao Avenue ng mother ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.
Makailang beses na nag-attempt si Mommy Divine na magtayo ng iba’t ibang klaseng resto kabilang na ang Pinoy Resto, Chinese, Japanese at Korean, pero never siyang nagtagumpay. Maging ang fruit shake nitong organic pa naman ay nilalangaw sa customer.
Pero ngayong ginawa nang pang-masa na turo-turo o simpleng karinderya ni Mommy Divine ang dating sosyal na restaurant, hayun dinudumog na sila ngayon ng mamimili na majority ng customers ay ang mga kapitbahay nila sa St. Charbelle. Dahil malakas nga ang kanilang karinderya, pati tindang fruit shakes ni Mommy Divine ay mabenta na rin. ‘Yung mga prutas na ginagamit nila rito ay galing sa sariling farm ng mga Geronino sa isang probinsiya.
RK BAGATSING AT SUE RAMIREZ PATOK SA TAKILYA ANG UNANG TAMBALAN
MAGANDA ang naging resulta sa takilya ng unang tambalan nina RK Bagatsing at Sue Ramirez sa sexy-drama movie na “Cuddle Weather” na naging kalahok sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino at pareho pang nominated ang dalawa sa Best Actor and Best Actress category. Wala man isa sa kanila ang nakasungkit ng award ay marami naman ang pumuri sa acting nina Sue at RK sa kanilang pelikula lalo na si RK na sobrang husay rito.
Dahil pumatok nga ay muling kinuha ng Regal Entertainment si RK para i-partner naman kay Jane Oineza na isa sa favorite actresses ng mag-inang Roselle at Mother Lily Monteverde. Ang title ng first team-up nina RK at Jane ay “Us Again” na dinirek ni Joy A. Aquino. At kung nag-daring ang dalawa sa magkahiwalay na pelikula sa Regal ay mas matindi raw ang romansahan nila rito sa bago nilang film. Pero dahil parehong mahuhusay na artista ay maghubad man ay respetado pa rin. Sina RK at Jane ay unang nagsama sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.
16 million ang followers ng EB sa official FB Page
ISANG EPISODE NG “BAWAL JUDGMENTAL” HUMAMIG NG 8.3M VIEWS SA YOUTUBE
PARAMI nang parami ang naho-hook sa segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental” at ‘yung episode nila na ang topic ay tungkol sa piloto na pinahulaan kung may dyowang flight attendant na si Rita Daniela ang celebrity judge guest ay as of presstime ay humamig na ng 8.3 million views sa YouTube and still counting.
Well, marami kasi ang kinilig sa single na piloto na si Jeremy at may nangisay pa kaya hayun talagang dinumog ito ng libo-libong viewers. Araw-araw ay maraming dabarkads from Luzon, Visayas and Mindanao kasama ang mga kababayan natin sa abroad na subscribers ng GMA Pinoy TV ang nag-aabang sa “Bawal Judgmental.”
Maliban sa mataas na ratings sa NUTAM ay malakas sa social media ang Eat Bulaga na may 16,108,861 followers na sa kanilang official Facebook Fanpage.
Comments are closed.