DATING SP AQUILINO ‘NENE’ PIMENTEL JR. INILIBING NA

Nene Pimentel

INIHATID na sa kanyang huling hantungan si dating Senate President Aquilino Nene Pimentel Jr., kaninang alas-nuwebe ng umaga.

Nagsama-sama ang mga kaanak, malalapit na kaibigan at tagasuporta ng nakatatandang Pimentel para mag-alay ng huling misa para sa yumaong senador bago ito inilibing sa Heritage Park sa Taguig City.

Magugunitang, nasawi si Pimentel noong nakaraang Linggo, October 20 sa edad na 85 dahil sa sakit na lymphoma at pneumonia. DWIZ 882

2 thoughts on “DATING SP AQUILINO ‘NENE’ PIMENTEL JR. INILIBING NA”

Comments are closed.