DATING SUNDALO TODAS SA AMBUSH

QUEZON- NAKABULAGTA sa gitna ng kalsada ang isang 50-anyos na dating sundalo nang pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng motorsiklo sa Barangay Bignay 2, Sariaya sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Sa pahayag ni Lt.Col.William Angway, Sariaya police chief, ang biktima ay nakilalang si Salvador Sales, may-asawa at dating nakatalaga bilang intellligence staff ng South Luzon command sa lalawigan ng Quezon.

Sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, sakay umano si Sales ng motor nito patungong kabayanan ng Sariaya nang sabayan ng isang walang plate number na motorsiklo at makaraan lumampas sa biktima ay dahan- dahan itong bumalik at pasalubong na pinagbabaril Ang dating sundalo.

Sinabi pa ng pulisya na maaari umanong sinusundan na ng dalawang suspek si Sales mula sa bahay nito at kumuha lang ng tiyempo para isagawa ang ambush.

Idinagdag naman ni Angway na dalawang anggulo ang tinitingnan motibo sa nangyaring krimen kung saan Lupa at ang malaking halagang makukuha ng biktima sa mga benepisyo nito.

Hindi naman nagbigay pa ng dagdag impormasyon ang mga pamilya ng biktima.
ARMAN CAMBE