NUEVA VIZCAYA-HINDI na nakapalag ang isang retiradong pulis at dating kapitan ng barangay matapos na posasan ng PNP Solano nang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa kasong carnapping na sa nasabing lalawigan.
Nakilala ang suspek na si Job Lapitan, residente ng naturang bayan na itinuturing na No. 5 top most wanted sa national level sa listahan ng Highway Patrol Group (HPG) sa Nueva Vizcaya.
Ayon kay P/Capt. Jet Sanyo, hepe ng PNP Solano, siyam na taong nagtago ang suspek na dating pulis matapos nitong tangayin ang sasakyan ng isang abogado noong taong 2012 kasama ang tatlong iba pa na at large.
Batay sa salaysay ng suspek, kusang inamin umano ito na una na silang nakapagbigay ng bayad at nagawan pa ito ng deed of sale na hawak ng abogado ngunit hindi ibinigay ang sasakyan sa kanila kaya’t kinuha nila ito ng walang pahintulot sa nagbenta.
Kasabay ng pag-aresto kay Lapitan, isinilbi rin ng pulisya ang nakabinbing warrant of arrest laban sa akusado dahil sa kasong illegal possession of explosives at slight physical injury.
Nasa kustodiya ng PNP Solano ang akusado at inihahanda pa ang kasong iba laban dito.
IRENE GONZALES
407178 875985This blog really is great. How was it made ? 684272
459701 496765noutati interesante si utile postate pe blogul dumneavoastra. dar ca si o paranteza , ce parere aveti de inchiriere vile vacanta ?. 992307
383823 131828I tried to submit a comment earlier, although it has not shown up. I will remember this. 782401