BULACAN- NASA 83 katutubong Dumagat mula Sitio Inuman, Brgy. San Lorenzo, Norzagaray ang sumuko sa mga tauhan ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon kay Battalion Commander Lt.Col. Felix Emeterio Valdez ang naturang sitio ay ginagamit na landing area ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG), mula sa Rizal, Quezon at Bulacan.
Base sa record ng intelligence operatives ng militar nasa P11 milyon ang naipon na pera noong 2019 mula sa nakolektang revolutionary tax ng napaslang na leader ng NPA.
Ayon kay 202 Brigade BGen Alex Rillera,ang kinatawan ng 2nd Infantry Division at ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, hinimok niya ang mga katutubo na huwag magpalinlang sa mga kalaban ng gobyerno.
Samantala, suportado ni Governor Daniel Fernando at gagawin niya ang lahat upang mapaganda ang buhay ng mga nagbalik-loob at tiniyak din na makikinabang ang mga ito sa programa ng National Task Force End Local Communist and Armed Conflict (NTF ELCAC). THONY ARCENAL
Comments are closed.