DATOS KRITIKAL SA SIYENTIPIKONG PAG-ANALISA SA ELEKSIYON

JOE_S_TAKE

NAPAKAHALAGA ng papel na ginagampanan ng paggamit ng opisyal na datos sa pagbuo ng istratehiyang maaaring gamitin sa trabaho, sa negosyo, sa eleksiyon, at iba pang bagay. Ngayon ngang nagsimula nang magpakilala ang mga personalidad na nagnanais makakuha ng posisyon sa gobyerno, tiyak na nagsisimula na rin ang kanilang pagbuo ng istratehiya para sa pangangampanya. Upang maging mabisa ang datos para sa pagbuo ng nasabing istratehiya, kailangang siguraduhin na ito ay opisyal at  ito ay naiintindihan ng kandidato o ng grupong nangangasiwa sa kampanya.

Ang mga modernong kampanya ay karaniwang gumagamit ng mga database na mayroong detalyadong impormasyon ukol sa mga mamamayan na siyang gagamiting basehan sa pagbuo ng istratehiya at mga gagawing hakbang sa pangangampanya. Karaniwan ding inaalam ang tungkol sa mga hinaing at mga pangangailangan sa nasabing lugar kung saan tatakbo ang isang kandidato upang maisama ito sa kabuuang plataporma. Mga opisyal na datos din ang pinagbabatayan ng mga kandidato kung saan epektibong idaos ang rally para sa kampanya nito at kung anong mensahe ang dapat bigyang-diin sa partikular na lugar. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng opisyal na datos nalalaman kung paano makukuha ang suporta ng mga botante, kung paano makukuha ang boto ng mga indibidwal na wala pang desisyon ukol sa kung sino ang iboboto, at makuha ang boto ng mga taong hindi sumusuporta sa partikular na kandidato.

Ang social media dito sa Pilipinas ay isang makapangyarihang plataporma ng komunikasyon kaya hindi nakapagtataka na ginagamit din ito sa eleksiyon. May ilan ang marunong gumamit nang maayos sa nasabing plataporma, ngunit sa kasamaang-palad, mayroon ding ilan ang tila ginagamit ito upang impluwensiyahan ang mga botante sa bansa.

Kamakailan, isang sikat na media outlet ang nagsagawa ng online survey ukol sa kung sino ang nais iboto ng mga netizen sa pagka-Pangulo. Bagaman hindi naman opisyal ang nasabing online survey na ginawa sa Facebook, umani ito ng negatibong reaksyon mula sa mga netizen dahil sa mano’y pagmamanipula raw sa resulta ng nasabing survey.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtatakda ng emoji sa bawat kandidato sa pagka-Pangulo. Ang mga netizen ay hiniling na maglagay ng reaction sa naturang Facebook post batay sa kung sino ang kanilang gustong kandidato. Subalit hindi nagtagal ay binura ng media outlet ang nasabing survey mula sa kanilang Facebook page matapos mapansin ng mga netizen na tila hindi nagtutugma ang bilang ng mga reaksyon sa post. Anila, matapos lumabas na nanguna si Marcos sa nasabing survey, siya namang biglang dami ng mga heart reaction sa naturang post. Pinuna ng mga vlogger ang anila’y tangkang pagmamanipula ng media outlet sa resulta ng survey.

Buti na lamang at mayroong mga netizen na nananatiling mapanuri at mapagmatyag na siyang nakapapansin sa mga ganitong  pangyayari online. Hindi masamang magkaroon at magpahayag ng napupusuang kandidato dahil bahagi ito ng ating karapatan bilang mamamayan ng isang demokratikong bansa. Subalit, ang mga media outlet ay may responsibilidad na maging neutral sa pagbabalita at pagpapahayag. Obligasyon ng mga ito ang magpahayag ng impormasyong totoo at naaangkop para sa mga mamamayan. Hindi nito dapat gamitin ang kanilang koneksyon at impluwensiya para manipulahin ang mga mamamayang tumatangkilik dito. Ito ay malinaw na pang-aabuso sa kanilang papel bilang miyembro ng media sa bansa.

Masyado nang nagiging magulo ang sistema ng politika sa ating bansa. Nagiging talamak ang siraan ng mga kandidato. Tila nagiging kultura ang iangat ang isang kandidato sa kapinsalaan ng kalaban nito. Bilang mga mamamayan, ugaliin nating maging kritikal. Kilalanin nating mabuti ang mga kandidato bago natin ibigay sa kanila ang ating boto. Piliin din nating mabuti ang mga media outlet na ating tatangkilikin upang masiguro na walang kinikilingan ang mga balitang inilalabas nito.

Ituon na lamang din ang pansin sa pagpapahayag ng kagalingan ng napiling kandidato sa halip na makipag-away online at sumali sa paninira sa ibang kandidato. Piliin natin ang mga kandidatong malinis lumaban – ang kandidatong nakatuon ang pokus sa pagpapahayag ng kanilang plano para sa bansa kung sila ay maluluklok sa posisyon. Ang pamamaraan ng isang kandidato ay sumasalamin sa integridad nito. Ang ating boto naman ay sumasalamin sa ating mithiin para sa ating bayan at sa susunod na henerasyon.

10 thoughts on “DATOS KRITIKAL SA SIYENTIPIKONG PAG-ANALISA SA ELEKSIYON”

  1. 495267 224983An intriguing discussion will be worth comment. Im sure which you require to write a lot more about this topic, it may well not be a taboo topic but usually consumers are too few to chat on such topics. To yet another. Cheers 547069

  2. Looking at this article, I miss the time when I didn’t wear a mask. majorsite Hopefully this corona will end soon. My blog is a blog that mainly posts pictures of daily life before Corona and landscapes at that time. If you want to remember that time again, please visit us.

Comments are closed.