Datu Kumintang, Hari ng Katagalugan Laarni, Prinsesa ng Kumintang

NOONG  unang panahon, may 10 Bornean Datu na nasa ilalim ng pamamahala ng sakim na si Sultan Makatunaw.

Inangkin ni Sultan Makatunaw ang mga asawa at lupain ng 10 Datu na pinamumunuan naman ni Datu Puti kaya nagdesisyon silang iwan ang Borneo.

Sa kanilang pagtakas, tinangay nila ang kanilang Balangay – mga mahahaba at malalaking bangka – na nilamnan nila ng natitira pangf pamilya at supporters. Finally, nakarating sila sa Panay, na noon ay pinamamahayan ng mga Negrito o Aeta.

Kinaibigan ni Datu Puti si Haring Marikudo at bumili pa ng lupa na binayaran nila ng golden sukud o salakot sa Tagalog. Hinati ni Datu Puti sa tatlo ang nabili niyang lupa: ang Hantik (Antique), Aklan at Irong-Irong (Ilo-ilo).

Tinawag niya itong Confederation of Madia-as.

Di nagtagal, dumami ang nasasakupan ni Datu Puti kaya inatasan niya ang tatlo sa mga kasamahang Datu na humanap ng ibang matitirahan. Itinalaga niya si Datu Sumakwel na mamuno sa kumpederesyon dahil siya ang pinakamatalino sa kanilang sampu, at naglakbay si Datu Puti patungong Taal. Habang naglalakbay gamit ang lupa, gumagawa rin sila ng kalsada, at bago sila nakarating sa Taal ay nagakawa sila ng 40-kilometrong kalsada. Ito ang maituturing na kauna-unahang kasada sa Pilipinas.

Sa Taal, itinayo ang Kaharian ng mga Tagalog, sa lupaing malapit sa ilog na dumadaloy sa lawa. Napakataba ng lupa kaya nanagana sila sa pagsasaka. Mula dito, pinalawak nila ang kanilang teritoryo. Sinakop nila ang ngayon, ay tinatawag nilang Balayan, Bataan, Quezon, Rizal, Cavite, pati na ang Romblon at Palawan.

Pero ang nais ni Datu Puti ay palayain ang kanyang mga kababayan sa kasamaan ni Makatunaw. Noong 1234AD, hinati niya ang kaharian sa natitira pang anim na datu at bumalik sa Borneo. Si Datu Balensusa ang pumalit sa kanya at hindi na nakabalik si Datu Puti.

Nang tumanda si Datu Balensusa, ipinamana niya ang kaharian sa kanyang anak na si Datu Kumintang, na siya namang nagtatag ng Kaharian ng Kumintang. Tinawag ito ng mga Tsino na Ma-I, kung saan inilipat ang seat of power sa Balayan, nangayon ay Batangas na.

Noong 16th Century, napakalakas pa rin ng kapangyarihan ng mga Kumintang. Peace-loving ang mga Batangan, at hindi sila sigurado sa intensyon ng mga Kastila pero nagpakita pa rin sila ng kagandahang loob na sinamantala naman nila. Gamit ang 300 sundalong armado ng baril, sinakop nila ang Taal, pinatay ang mga pinuno, at inangkin ang Rehiyon ng Katagalugan.

By the way, ang salitang Tagalog ay mula sa Taga-ilog, na ang ibig sabihin ay naninirahan sa tabi ng ilog.
Syanga pala, ang golden salakot na ibinayad ni Datu Puti kay Datu Marikudo ay karaniwang isinosoot ng mga Datu sa Borneo. Parang ito na ang kanilang korona bilang Datu. Napakahalaga nito at ipinamamana ito ng ama sa kanyang anak. Ipinamana ni Datu Balensusa ang kanyang salakot kay Kumintang kaya siya naging Datu. Babae ang dapat sana ay tagapagmana ni Datu Kumintang, si Laarni, ang Prinsesa ng Kumintang. Siya ay Maganda, matalino, mahusay sumayaw at mahusay rin sa pakikidigma. Hindi malinaw kung paano siya namatay, ngunit kasama siya ng mga mananandatang Kumintang na lumaban sa mga Kastila.