GINAWARAN ng parangal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lokal na pamahalaan ng Datu Montawal, Maguindanao.
Iniabot mismo ni 602nd Brigade commander Colonel Joven Gonzales kay Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal ang pagkilala ng militar sa LGU-Datu Montawal bilang patner for peace and development.
Ang paggawad ng paralan ay dahil sa pagsisikap ng LGU-Datu Montawal na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bayan.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Montawal sa 602nd Brigade sa parangal na kanilang tinanggap lalo na ang pagtutulungan ng lahat ng sektor sa bayan para silay kilalanin ng militar bilang partner for peace and development.
Matatandaan na maraming parangal na na tinanggap ang LGU-dahil sa maganda nilang pamamalakad sa bayan lalo na sa kampanya kontra illegal drugs, terorismo, illegal gambling at iba pa.
265594 329271You produced some decent points there. I looked online for your dilemma and located a lot of people will go together with with the web site. 758215