NORTH COTABATO- ISA umanong miyembro ng Daulah Islamiya (DI) na bomb expert ang sumuko na lang sa pamapahalaan sa Carmen.
Hindi naman pinangalanan ang sumuko pero ayon sa ulat mula kay Major General Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Central at 56 Infantry Division, isang high value target ang sumukong DI.
Isinuko rin ng naturang bomb maker/expert ang kanyang mga armas sa militar. Hindi muna tinukoy ang kakikilanlan ng sumukong terorista para sa kaligtasan ng kanyang pamilya na maaring balikan ng Islamic Terrorist Group.
Ayon kay Uy, i-enroll ang sumuko sa DIWATA HAVEN (Dapat Iwaksi at Wakasan ang Terorismo at Armadong Pakikibaka – Hadlangan ang Violent Extremism Program) sa North Cotabato.
Makakatanggap din siya ng livelihood package at tulong pinansiyal mula sa gobyerno.
Isinuko ng dating DI member ang kanyang sarili bitbit ang isang (1) 7.62mm M14 Rifle kay Lt. Col. Rommel Mundala, Commanding Officer ng
90th Inafntry Battalion, at iniharap kay Col. Jovencio Gonzales, Commander ng 602nd Infantry Brigade sa Headquarters ng 602nd Infantry Brigade sa Camp Lucero, Carmen. VERLIN RUIZ