DAVAO ARCHBISHOP CAPALLA NAMAYAPA SA EDAD NA 89

DAVAO CITY- SUMAKABILANG buhay na sa edad na 89 si Davao Archbishop Emeritus Fernando Capalla kahapon ng madaling araw.

Ang Archdiocese of Davao at St Francis Xavier Regional Major Seminary of Mindanao ay nagpaabot na ng kanilang pakikidalamhati , habang ang ilang personalidad ay nag-post din ng kanilang mga larawan bilang pakikibahagi sa pagluluksa.

“It is with deep sadness that we announce the passing away of ouir beloved Archbishop Emeritus Fernando R. Capalla at the gae of 89 at 1:23 am today, January 6, 2024. pahayag mula sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary.

Ang Rite of Reception para sa labi ni Archbishop Capalla ay inaasahang isasagawa din ngayong araw.

Naiparating na ang malungkot na balita sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at sa Apostolic Nunciature.
EVELYN GARCIA