DAVAO CITY AT BENGUET, MAGBIBIGAY NG P5-M TULONG SA MGA BIKTIMA NG C-130 TRAGEDY

MAGKAKALOOB  ng tulong pinansiyal ang mga kinatawan ng Davao City at Benguet sa mga pamilya ng mga sundalo at sibilyan na nasawi at sugatan sa nangyaring C-130 military plane crash sa Patikul, Sulu.

Aabot sa P5 milyon ang financial assistance na ibibigay nila Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Caretaker na si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap.

Ayon kay Yap, si Duterte ang nagplano ng ambagan at bahagi rin ng nasabing halaga ay mula sa mga negosyante mula sa Davao City at Benguet.

Para sa mga kinatawan, maliit na halaga lamang ito kumpara sa sakripisyong ginawa at sa serbisyo ng mga sundalo para sa bansa.

Hindi rin umano matutumbasan ng kahit magkanong halaga ang sakripisyo ng mga sundalo.

Umaasa silang kahit paano ay makatulong ang halaga sa mga naulilang pamilya at sa pagpapagaling ng mga sugatan hanggang sa makabalik sa serbisyo.

“Hangad natin na kahit papaano ay makatulong tayo sa pamilya nila ngayon na nawalan sila ng mahal sa buhay. At para sa mga sugatan mula sa insidenteng ito, nawa’y magsilbi itong pansamantalang tulong hanggang sila ay makabalik sa serbisyo”, ani Yap.

Tinawag ng presidential son na bayani ang mga nasawing sundalo, pero mas malaking kawalan aniya ang mga ito para sa kanilang pamilya.

Kumpiyansa rin ang kongresista na ibibigay ng pamahalaan ang lahat ng tulong na kakailanganin ng mga pamilyang apektado sa aksidente at gagawin ang lahat para hindi na maulit ito sa hinaharap.

“We honor the lives of our State defenders that we lost in this tragedy. No amount of money can compensate the sacrifice they have done but I hope that this can somehow help them for their immediate needs. I am confident that the National Government will provide whatever support that the victims and their families may need, and to ensure that no similar incident will occur in the future”, pahayag ni Duterte.

Itu-turn over naman sa Camp Aguinaldo sa Lunes ang nasabing donasyon na inaasahan namang tatanggapin ng mga ranking officials. Conde Batac

5 thoughts on “DAVAO CITY AT BENGUET, MAGBIBIGAY NG P5-M TULONG SA MGA BIKTIMA NG C-130 TRAGEDY”

  1. 574242 78726Fairly uncommon. Is likely to appreciate it for men and women who contain community forums or anything, internet web site theme . a tones way for the client to communicate. Superb job.. 402917

  2. 357357 500336I believe that a simple and unassuming manner of life is finest for every person, greatest both for the body and the mind. 178192

Comments are closed.