DAVAO CITY, CHOCOLATE CAPITAL NG FILIPINAS

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang bagong batas na nagdedeklara sa kanyang hometown na Davao City bilang chocolate capital ng Filipinas habang ang buong Region 11 o Davao Region ang cacao capital ng bansa.

Base sa Republic Act 11547, binibigyang halaga ang pagtatanim ng cacao para mapaigting pa ang rural development sa bansa sa pamamagitan ng export earnings.

Nais ng Pangulo na malagay ang Filipinas bilang producer ng finest cacao beans.

“In recognition of its status as the country’s biggest producer of cacao and its vital contribution in making the Philippines world renowned and sought after by chocolate makers from the US, Japan, and Europe, the City of Davao is hereby declared as the Chocolate Capital of the Philippines and the entire Region XI (Davao Region) as the Cacao Capital of the Philippines,” sabi pa sa batas

Nakasaad din sa batas na nilagdaan kahapon ni Pangulong Duterte na dapat na bigyan ng livelihood o pangkabuhayan ang mga maliliit na magsasaka sa mga lalawigan.

Kilala ang Davao sa Malagos chocolate na nanalo na ng ilang international awards.

Samantala isa na ring ganap na batas ang paghahati sa dalawa ng first legislative district ng Caloocan City sa bisa ng Republic Act No 11545.

Kasabay rin nito ang paglagda ng Pangulo sa Republic Act No. 11546 na naghahati sa lalawigan ng Bulacan sa anim na legislative districts at Republic Act No. 11544 na nagdedeklara sa conversion ng munisipalidad ng Calaca sa Batangas bilang isang siyudad na tatawaging City of Calaca. EVELYN QUIROZ

9 thoughts on “DAVAO CITY, CHOCOLATE CAPITAL NG FILIPINAS”

  1. 422087 24900Exceptional post nevertheless , I was wanting to know in the event you could write a litte far more on this subject? Id be really thankful should you could elaborate slightly bit much more. Thanks! 187454

  2. 526651 796857Thank her so considerably! This line is move before dovetail crazy, altarpiece rather act like habitual the economizing – what entrepreneur groovy night until deal with starting a trade. 314192

Comments are closed.