ANG Davao City na, na siyang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang may pinakamaraming average number ng COVID-19 cases kada araw.
Ito, ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, ay matapos na malampasan ng Davao City, ang Quezon City sa pagkakaroon ng pinakamataas na average na bilang ng naitatalang daily COVID-19 cases.
“Today, nalagpasan na ng Davao City ‘yung Quezon City sa seven-day average. Yung average ng Davao City, 213 cases per day. Sa Quezon City, 207,” ayon kay David, sa panayam sa telebisyon nitong Martes.
“So Davao City na ‘yung pinakamaraming average number of cases per day.”
Ani David, hindi niya masabi ang dahilan ng spike ng kaso sa Mindanao ngunit tila nakakalusot aniya ang mga biyaherong infected ng virus sa border controls.
Una nang tinukoy ng OCTA Research kamakalawa ang ilang lungsod sa Mindanao bilang areas of concern dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.
Kabilang dito ang mga lungsod ng Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato at Davao.
Batay sa ulat ng OCTA, ang Davao City ay nakitaan ng 54% na pagtaas ng mga kaso ng impeksiyon sa nakalipas na linggo, o mula 134 kaso ay naging 206 kaso mula Mayo 31 hanggang Hunyo 6.
Una na ring isinailalim ng national government ang Davao City sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Hunyo 5 hanggang 20 upang matuldukan ang pagkalat pang lalo ng sakit sa lungsod.
Nanawagan na rin naman si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang mga constituent na istriktong obserbahan ang health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan at kaagad na ireport sa mga awtoridad ang mga positibong kaso ng sakit upang kaagad itong maaksiyunan at malapatan ng lunas. Ana Rosario Hernandez
318870 696443Hi there for your individual broad critique, then again particularly passionate the recent Zune, and additionally intend this specific, not to mention the beneficial feedbacks other sorts of every person has posted, will determine if is it doesnt answer you are looking for. 301029
662427 899118Cpr KIts quite wonderful read you know alot about this subject i see! 712372