PUWEDE nang makinabang ang mga mahihirap na residente sa siyudad ng Davao sa libreng gamot matapos ng kanilang libreng pagpapaospital. Nagbukas na ang Botika ng Bayan kahit sa hindi mga residente na nasa mababang antas din ng lipunan.
Dumating ang bagong inisyatibo matapos na buksan ang isa pang child-minding center sa siyudad.
Sa ilang dekada, siniguro ang indigent patients na libreng ospitalisasyon at pag-aalaga sa ospital ng gobyerno dito at simula ngayong taon, ang benepisyo ay patuloy sa pakinabang ng prescription drugs.
Sinabi ng city information office ng Davao na ang bagong Botika ng Bayan ay pakikinabangan hindi lamang ng mga Dabawenyos kundi kahit sa ibang lugar sa kalapit na rehiyon. Binuksan ang botika noong Hulyo 2.
Inilunsad ang Botika ng Bayan sa tulong ng Department of Health (DOH) na nangako sa siyudad na mananatili at patuloy ang supply ng gamot sa kanila.
“I am very grateful to the Department of Health for helping us establish the Botika ng Bayan. This is a big help to the people, especially that the medicines are given here for free,” pahayag ni Mayor Sara Duterte.
Sinabi rin ni Josephine Mitaran, ang may hawak ng free medical care program ng siyudad na tinawag na Lingap para sa Mahihirap, na ang Botika ng Bayan ay magbibigay ng gamot sa lahat ng klase ng sakit.
“We can give as many as a one month supply of medication. The number of medicine that we would give depends on the needed quantity of the patient. All they have to do is bring their prescription here,” sabi ni Mitaran.
Kahit ang mga mahihirap na pasyente na galing sa pribadong ospital ay puwedeng humingi ng gamot sa Botika ng Bayan.
Hiniling na ni Mayor Duterte-Carpio ang Assistant Secretary Abdullah Dumama na magkaroon ng DOH office sa Davao at magtayo ng Botika ng Bayan outlets sa 17 distrito ng siyudad.
“I asked Asec Dumama if they can also put up a Botika ng Bayan in our 17 districts (and) his response was positive. I told our City Health Office to coordinate with DOH,” sabi pa ni Duterte.
Sinabi ni Dumama na plano nilang magbukas pa ng maraming Botika ng Bayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa para makapagsilbi sa mga pangangailangan ng mas maraming Filipino.
Ang Botika ng Bayan ay makikita sa Lingap compound katabi ng Southern Philippines Medical Center.
Makalipas ang isang araw, nagbukas ang siyudad ng kanilang ikaapat ng child-minding center sa may bandang kanluran ng Davao na nagbibigay-daan para sa mga magulang na nagtatrabaho na iwan ang kanilang mga anak sa professional care ng siyudad habang sila ay nakakapagtrabaho.
Sinabi ni Maria Luisa Bermudo, chief of the City Social Services and Development Office, na ang center ay itinayo sa Mintal, ang lumalagong education center sa siyudad.
“One of the problems that we have seen, especially for our working mothers is their difficulty to take care of their children while they are at their workplace. With the child-minding center, they have trusted people who will watch over their kids,” ani Bermudo.
Sinabi na dalawang guro na empleyado ng city government ang itatalaga sa center, na puwedeng magbantay sa 10 batang nasa edad na hanggang tatlong taon bawat araw.
Bukas ang center mula 7:30 am hanggang 5:00 pm.
Sinabi ni Mintal Barangay Captain Rey Amador Bargamento na makatutulong nang malaki ang center sa kanilang barangay.
“We really need this center because we have a lot of residents who are working mothers. They don’t have someone whom they can leave their children while they are earning a living.”
Sinabi ni Mayor Sara Duterte na ang siyudad ay handa para magbukod ng pondo para sa ibang barangay na gustong magkaroon ng kanilang sariling child-minding facilities.
“If a barangay is planning to have a center of this kind, especially those big barangays that are centers of economic activity, we can partner with them through the CSSDO. They can put up the infrastructure and we can hire the personnel needed to run the child-minding center,” sabi niya.
Namigay ang mayor ng mga laruan na galing sa kanyang panganay na anak, na si Sharkie, “so these can be used by the children in the center”.
Ang ibang child-minding centers na nagpapatakbo na ay matatagpuan sa Calinan, Barangay 27-C and 2-A.
Comments are closed.