PINAG-AARALAN na ng Chinese government ang pagtatayo ng parke na hango sa Filipinas at ilalagay ito sa Nanning City kung saan ipapakita ang mga icon at kultura ng Davao.
Ayon kay Vice Mayor Bernard Al-ag, target ng China na itayo ang Davao City Park ngayong taon sa Nanning City.
Sinasabing maganda ang relasyon ng Davao at Nanning City at ang dahilan ay gusto bilang pagpapakita ng pagkakaibigan.
Ang pagtayo ng park ay popondohan ng Nanning City ngunit ang disenyo ay magmumula sa City Engineer’s Office at Davao City Planning Development Office.
Kabilang sa makikita sa parke ang mga icon gaya ng Durian fruit at Philippine eagle.
Kung matatapos na ang pagtatayo ng parke ngayong taon, iimbitahan ng lokal na pamahalaan sa Nanning ang mga opisyal ng siyudad para maging bahagi sa isasagawang inagurasyon sa Davao City Park.
Ang Davao at Nanning ay naging sister cities sa loob na ng 10 taon at mismong si dating mayor at ngayon ay si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumirma sa kasunduan. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.