PINURI ng Department of Interior and Local Government (PDEA) at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang Davao City na lungsod ni Pangulong Rodrigo Duterte, at pinamumunuan ni Mayor Sara Duterte-Carpio dahil sa pangunguna nito sa kanilang Anti Drug Abuse Campaign.
Ito ay dahil sa mataas na performance sa operasyon ng kanilang Anti-Drug Abuse Councils (ADAC) sa buong lungsod.
Habang sa Metro Manila ay nangunguna ang Quezon City sa mga siyudad na may magandang record sa kampanya kontra droga.
Tinukoy rin ang dalawang lungsod sa Metro na may bagsak na grado.
Nabatid na nakapaghain na ang DILG ng may 96 cases sa Office of the Ombudsman laban sa mga local officials dahil sa unorganized o low performing ADACs. VERLIN RUIZ/PAULA ANTOLIN
Comments are closed.