DAVAO DEL SUR NIYANIG NG LINDOL, AFTERSHOCKS

NIYANIG ng malakas na lindol ang lalawigan ng davao del sur kahapon ng tanghali.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) tumama ang magnitude 6.1 quake kahapon dakong alas-12:22 ng tanghali sa Magsaysay, Davao del Sur.

Ang epicenter ay matatagpuan 06.70°N,125.16°E – 006 km S 08° E ng Magsaysay.Tectonic ang origin ng nasabing lindol na may lalim na 15 hanggang 16 kilometro.

Batay sa datos ng PHIVOLCS, naramdaman ang intensity 5 sa Kidapawan City, Arakan, Carme, Kabacan, makilala at m’lang sa North Cotabato; Koronadal at Banga City sa South Cotabato; Matalam Cotabato; at Bansa, Hagonoy, Magsaysay at Sta. Cruz Sa Davao Del Sur.

Intensity 4 sa Davao City; Banisilan at Midsayap sa North Cotabato; Don Carlos Bukidnon; Polomok, Sto. Niño at Norala sa South Cotabato; Alabel, Kiamba at Malapatan Sa Sarangani at Palimbang at Tacurong sa Sultan Kudarat.

Intensity 3 sa Cotabato City; Cagayan De Oro City; Kadingilan at Kitaotao Sa Bukidnon; Tagum City Davao Del Norte; Maco at Nabunturan Davao De Oro; Intensity 2 Sa Cagayan De Oro City at kalilangan Bukidnon habang intensity 1 ang naramdaman sa Bislig Srigao Del Sur.

Inaalam na rin ng NDRRMC kung may pinsala na idinulot ang lindol.

Inaasahan din ang aftershocks at pinsala dulot ng malakas na lindol.

Katunayan, ilang minuto pa lamang nakalilipas ay nakapagtala na agad ng magkakasunod na aftershocks ang PHIVOLCS.

Unang naramdaman ang Magnitude 3.5 na aftershock pasado alas-12:30 ng hapon, sinundan ng magnitude 2.5 pasado alas-12:34 at magnitude 2.1 pagsapit ng alas-12:41 ng hapon.

Dahil dito, agad na minobilisa ng pamahalaang lokal ng Davao del Sur ang kanilang damage assessment team para matukoy ang damage ng lindol.

Ayon naman sa Kidapawan CDRRMO na si Psalmer Bernalte, nasa 100 pamilya ang ililikas ng pamahalaang lokal mula sa Mt. Apo.

Gayundin, posibleng magpapatupad sila ng forced evacuation sa mga hindi magsisilikas. VERLIN RUIZ

Comments are closed.