‘DAVAO MODEL’ VS ILLEGAL DRUG OPS PINAIIMBESTIGAHAN NA NI MARBIL

MAKARAANG ibulgar ni dating Police Colonel at General Manager ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na si Royima Garma, na inspired sa Davao Model ang naging operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa panahon ng dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte, 2016 0 2022, kung saan naitala ang umano’y extra judicial killings sa halos 6,000, ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang masusing imbestigasyon hinggil dito.

Ang umano’y paggamit ng “Davao model” sa war on drugs ay mayroong reward system sa maaarestong sangkot sa droga.

Ang alegasyon ni Garma ay kanyang inilatag sa House Quad Committee.

Ayon kay Marbil, ser­yoso ang akusasyon at ang imbestigayson ay para matiyak ang transparency at pananagutan sa hanay ng PNP.

Binigyan-diin din ni Marbil ang kahalagahan ng tiwala ng publiko, lalo na’t patuloy ang kanilang recalibrated anti-drug campaign na inuuna ang karapatang pantao.

Iginiit din niya na ang pagpapahalaga at pag protekta sa karapatang pantao ang prayoridad sa kampanyang ito.

Samantala, nanawagan din ang PNP Chief sa mga dating PNP Chiefs na linawin ang kanilang naging papel sa Anti-Drugs Operations ng nakaraang admi­nistrasyon.

EUNICE CELARIO