MINDANAO-WALANG malaking danyos sa mga ari-arian ang 7.1 magnitude na lindol na tumama sa Davao Occidental.
Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, wala silang natanggap na ulat na may mga nasira na ilang minuto matapos kumpirmahin ang pagyanig sa Jose Abad Santos sa nasabing lalawigan.
Inihayag ng Phivolcs na walang banta naman ng tsunami na nalikha ang lindol.
Gayunpaman, naramdaman ang lindol sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao at naitala ang lakas sa pamamagitan ng mga gamit ng Phivolcs.
Intensity 5 – Kiamba, Sarangani
Intensity 4 – City of General Santos; Alabel, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato at Davao City
Intensity 3 – City of Kidapawan City of Bislig, Surigao del Sur; City of Gingoog, Misamis Oriental
Intensity 2– City of Cagayan de Oro; City of Surigao, Surigao del Norte; City of Borongan, Eastern Samar
Intensity 1 – City of Catbalogan, Samar
Wala pang ulat ng anumang pinsala bunsod ng lindol ngunit, nakapagtala ang Phivolcs ng 15 aftershocks.
Naramdaman ang tectonic temblor pasado alas-8 ng gabi nitong Huwebes na naitala ang episentro nito sa lalim na 116 km, may 200 kilometers timog silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.VERLIN RUIZ
Comments are closed.