NIYANIG ng magnitude 7.1 na lindol ang Davao Occidental.
Ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang naturang pagyanig ay naganap dakong alas-4:48 kahapon ng madaling araw ng Martes.
May lalim ito ng 76 kilometers at ang sentro nito ay sa munisipalidad ng Sarangani.
Naramdaman ang Intensity 4 sa Malungon, Alabel at Kiamba, Sarangani.
Hindi naman nagtaas ng tsunami alert ang Phivolcs matapos ang nasabing lindol.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala namang naiuulat na nasawi o nasaktan sa nasibing lindol. EVELYN GARCIA