DAVAO OCCIDENTAL- GINULANTANG ng magnitude 7.3 earthquake ang mga residente ng katimugang bahagi ng lalawigang ito kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naitala ang lindol bandang alas-2:06 ng hapon.
Sa ulat ng PHIVOCS natunton ang episentro ng lindol 352 km Timog Silangang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental.
Lumilitaw na tectonic ang origin o pinagmulan ng paggalaw ng lupa na nasa lalim na 64 kilometro.
Habang sinusulat ang balita walang pang ibinabahaging ulat ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD).
Naramdaman ang Intensity 2 sa Don Marcelino, Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Glan at Kiamba, Sarangani; General Santos City, Tupi, Santo Niño, Koronadal City, and T’Boli, South Cotabato.
Habang Intensity 1 naman ang anramdaman sa Kidapawan City, Cotabato; Maitum and Maasim, Sarangani; Tantangan, Lake Sebu, Tampakan, Suralla, and Norala, South Cotabato; Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Nilinaw ng Phivolcs na asahan nang makararanas ng aftershocks sa mga apektadong lugar kasunod ng naturang pagyanig. VERLIN RUIZ